Si Ben Cabrera ay isa sa mga pinakatanyag na pintor ng kanyang henerasyon.
Ipinanganak noong 1942, malapit si Cabrera sa kanyang nakatatandang kapatid na si Salvador - na siya ring tumulong sa kaniya upang makakuha ng kanyang mga unang oportunidad bilang isang pintor. Nag-aral si Ben Cabrera sa College of Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas. Bukod sa pagiging isang pintor ay hasa din siya sa ibang porma ng Fine Arts.
Malawak na ang tinahak ng karera ng tanyag na pintor na ito. Bukod sa pagiging kilala dito sa Pilipinas ay nakapag-exhibit na din siya sa iba't ibang lugar, tulad ng Macau, London, at New York.
Kilala din siya dahil sa kanyang mga opinyon sa mga pulitikal na mga kaganapan lalo na noong Martial Law. Matapos ang kalunos-lunos na lindol sa Baguio (kung saan siya ay kasalukuyang nakatira) noong 1990, tumulong siyang mag-organisa ng mga workshop at programa kasama ang iba pang mga kilalang artist upang makatulong sa pagbangon ng lunsod.